Need more information about MrSpeedy?

Please leave your mobile number below and we will give you a call.

+63
Enter correct phone
Something went wrong.

Need more information about MrSpeedy?

Thanks!

Phone sent. Our specialist will contact you as soon as possible.

For immediate response:
CASH ON DELIVERY (COD)
PAANO MAGING MRSPEEDY RIDER
Ang COD ay ang perang sisingilin sa customer na bayad sa item na ipinadeliver.
Makikita agad kung may COD ang isang order kahit ito ay nasa available tab pa. Pindutin lang ang order upang makita ang mga impormasyon tungkol dito
Makikita pa ang karagdagang impormasyon pa kapag napunta na sa inyong active ang isang order. Dito makikita ang mga sumusunod:
-Magkano ang kabuuang halaga na sisingilin sa client
-Saan kukunin ang bayad
-Indemnification fee (Bayad ng client sa Mrspeedy)
-Kabuuang COD na sisingilin (Total ng sisingilin sa LAHAT ng Drop-off
Makikita din kung saan pwedeng ihulog ang remittance ng order. Basahing mabuti upang hindi magkamali.

Dito din iuupload ang resibo upang macomplete ang order

Note: Iba ang kokolektahin na pera sa client na bayad sa delivery at COD!!
Example ng resibo na pwedeng iupload upang macomplete ang isang order
Maari din gamiting proof ng remittance ang mga sumusunod:
-Litrato na natanggap ng client ang pera
-Screenshot ng text message mula sa client na natanggap na niya ang pera

Pwedeng magpasok ng pera sa gcash sa pamamagitan ng 711, ministop, ilang convenience store. Maari din magpunta sa Puregold, Villarica, Cebuana, etc
Paano mag-remit gamit ang GCash?
I-download ang GCash App, mag-register at magpa-verify ng account para makapagpadala.
Buksan ang GCash App.
Piliin ang SEND MONEY kung magpapadala sa ibang GCash Account.
Piliin ang BANK TRANSFER kung magpapadala sa Bank Account.
Siguraduhing tama ang detalye.
Kung magsesend sa GCash number, piliin ang Express Send. Kung gustong magsend ng picture (kunwari resibo), pindutin ang Send with Clip.

Kung Bank Transfer, piliin ang bangko na papadalhan.
I-check ang detalye.
Ilagay ang detalye ng padadalhan. Siguraduhing tama at tsaka pindutin ang send money button:
- GCash: i-double-check ang number.
- Bank Transfer: Account name, account number, at e-mail kung saan ipapadala ang resibo. (finance@mrspeedy.ph)

Kapag nagsend na, huwag kalimutang kumuha ng screenshot bilang proof of remittance.